NAGPASOK ng guilty plea ang isang 44-anyos overseas Filipino worker (OFW), sa pagpuslit ng 16 migrants patungong Malaysia.
Batay sa ulat ng Daily Express, inamin ni Saring Osman ang human trafficking sa illegal workers na isinakay sa isang bangka patu-ngo sa Tanjung Berungus, Sabah noong Pebrero 2017.
Umapela ang Filipino na bigyan siya ng pagkakataon na mabisita ang kanyang misis at pitong anak na nakatira sa Cagayan, Palawan.
Imbes makulong sa bilangguan, pinili ni Osman na pabalikin na lang muli sa Filipinas upang makasama ang kanyang pamilya.
Pansamantalang iniliban ng korte ng Malaysia ang pagpataw ng sentensya kay Osman.
Maaari niyang kaharapin ang 15 taon pag-kabilanggo dahil sa nasabing kaso.