Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Juday, ‘di pa kontento sa 32 lbs. na nabawas sa timbang

MARAMI ang ginulat ni Judy Ann Santos nang lumabas ito sa stage para sa grand presscon ng kanyang pagbabalik-telebisyon, ang Bet On Your Baby na mapapanood na sa Mayo, na seksing-seksi na.

Napag-alaman naming 32 lbs. na ang nawala sa timbang ni Juday.

Aniya, nagdiyeta siya sa paraang hindi nagpapagutom. ”It’s diet according to my workout program, low carb-high protein diet.” Dagdag pa ang four times a week na workout, pag-inom ng maraming tubig, pagkain ng prutas, gulay, honey at iba pa.

Nakadagdag din sa pagpapapayat niya ang paghabol-habol sa bago nilang anak ni Ryan Agoncillo na si Luna. Ang pagtakbo-takbo o paghabol niya sa bunsong anak nila ang malakas makapagpapayat sa kanya.

Inihayag pa ni Juday na kailangan pa niyang magbawas pa ng timbang dahil noong nagbubuntis siya ay umabot ng 172 lbs ang timbang niya hanggang sa naging 140 dahil sa ginawang diyeta at workout. ”Kaya mga 15 lbs., 20 lbs. more. Pero hindi ko naman hinahabol ‘yung liliit ang waistline ko,” dagdag pa ng aktres.

Sa pagbabalik-telebisyon ni Juday, excited itong magtrabaho muli matapos mapahinga ng mahigit isang taon

“Napakasaya ko na gumawa uli ng isang show na malapit sa puso ko. Sana isa po sa inyong mga anak makasama namin sa Baby Dome. May mga bagong pasabog, pa-cute ng slight, na dapat abangan,” sabi ni Juday.

Kabilang sa mga pasabog na ito ay ang pagkakaroon ni Juday ng bagong kasama— ang digital mascot na si Piggy Bangs. Bawat episode ay makakausap niya ito at makikigulo sa kanya at sa little prince at princesses na sasabak sa iba’t ibang games.

Bawat chikiting na maglalaro rin ay magiging bahagi ng Baby Club at makaka-enjoy ng eksklusibong perks at access sa show. Para sa pilot week nito, limang celebrity babies kasama ang kanilang mommies at daddies ang maglalaban-laban. Magsisimula muna ang laro sa pagsabak nila paisa-isa sa Game Round na haharap ang kids sa iba’t ibang challenges sa loob ng Baby Dome. Kinakailangang mahulaan ng parent kung hanggang saan magagawa ng kanyang chikiting ang challenge para magwagi ng P10,000. Makakakuha naman sila ng P5,000 consolation prize sakaling mali ang sagot nila.

Magkakaroon ng elimination sa second round na tatawaging “Watcha Makulit.” Ang unang family na makakukuha ng tamang sagot ang  aabante sa jackpot round. Dito may tatlong pagkakataon sina mommy, daddy, at baby na mahanap at mabasag ang piggy bank na naglalaman ng P1-M.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …