Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Grae Fernandez, muling aarangkada ang showbiz career

BALIK-teleserye si Grae Fernandez via Ikaw Lang Ang Iibigin na tinatampukan nina Kim Chiu, Gerald Anderson, Coleen Garcia, Jake Cuenca, at iba pa. Mapapanood ito bago ang It’s Showtimesimula sa Lunes, May 1.

Kinumusta namin si Grae noong isang araw at inusisa kung ano ang papel sa seryeng ito ng ABS CBN.

“Okay naman po ako, ang bago ko pong show ay ‘yung Ikaw Lang Ang Iibigin,” pani-mula ng binata ni Mark Anthony Fernandez.

Dagdag pa niya, “Ang role ko rito, kapatid po ni Ate Kim Chiu.”

Okay lang ba, dahil parang matagal kang nabakante sa teleserye? “Okay lang naman po, dahil mayroon naman po akong mga guestings sa ABS CBN. Like sa Ipaglaban Mo at sa FPJ’s Ang Pro-binsyano na nagustuhan ng mga tao.”

First time mo bang nakatrabaho si Kim and anong masasabi mo kina Kim, Gerald at sa iba pang co-stars mo sa seryeng ito?

“Opo, first time ko pong nakasama sa TV series si Ate Kim, pero nakakasama ko naman po siya sa ASAP.

“Sobrang babait po nila sa akin, parang totoong pamilya ko sila.”

Sino ang madalas mong kaeksena rito?

Sagot ni Grae, “Yung family ko po, ang Agbayani family ang madalas kong kaeksena rito. Sila Ate Kim, Tita Bing Loyzaga at Tito Dante Rivero, at siyempre po si Andrea (Brillantes).

“Pati po pala si Kuya Gerald Anderson nakaka-eksena ko rin po rito nang madalas. Si Kuya Gerald, sobrang bait din po sa akin, parang kuya na rin po sa akin pati si kuya Jake Cuenca. Kaya happy po ako na nakatrabaho sila.”

Nabanggit din ni Grae na happy siya na mu-ling maktrabaho si Andrea na huli niyang nakasama sa Pangako Sa ‘Yo na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion.

“Opo, happy po ako na kasama ko ulit si Andrea rito. kasi kilala ko na po siya kaya kompor-table na po ako sa kanya.”

Bukod sa bagong teleserye, may bagong album din ang grupo ni Grae na Gimme 5, na ang iba pang members ay sina Nash Aguas, Brace Arquiza, John Bermundo, at Joaquin Reyes

“Iyong new album po namin, Gimme 5 Sopho-more, mas matured na po ‘yung mga kanta rito this time. Tungkol po siguro ito sa panliligaw at crushes,” natatawang saad ni Grae.

“Sana po ay magustuhan ito ng lahat, kasi po mas pinaganda namin this time and mas nag-mature iyong music.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …