PATAY ang isang doktor habang sugatan ang 15 iba pa nang maaksidente ang sinasakyan nilang van sa Tagum City, Davao del Norte kahapon ng umaga.
Ayon kay Rocky A-liping, director ng Benguet Electric Cooperative, kasalukuyan ginaganap ang kanilang convention sa nasabing lugar, nang maipara-ting sa kanila ng ilang taga-Baguio ang insidente.
Aniya, agad silang nagtungo sa ospital at kinompirma ng mga doctor ang pagkamatay ni Dra. Brigida Claro, head ng internal medicine ng Baguio General Hospital and Medical Center, at taga-Nangalisan, Tuba, Benguet.
Habang sugatan ang tatlo pang doktor at 12 nurse, kabilang ang isang kritikal ang kondisyon.
Napag-alaman, nasa Davao ang nasabing medical team upang magsagawa ng medical mission.
Ayon sa ulat, nag-overshoot ang nasabing van na papunta sana sa Davao Regional Hospital makaraan mag-overtake sa iba pang mga sasak-yan.
Nangyari ang insidente sa national highway ng Brgy. Conocotan, Tagum City.
Dinala ang mga sugatan sa Medical Mission Group Hospital sa Tagum City.