BUNSOD ng 30th ASEAN Summit and Related Meetings na gaganapin sa Manila mula 26-29 Abril 2017, pinayuhan ng Cebu Pacific (CEB) at Cebgo ang lahat ng pasaherong lilipad sa nasa-bing petsa na iplano ang kanilang pagtungo sa NAIA, dahil ilang kalsada ang isasara sa Pasay City, lalo ang patungo sa NAIA terminals 3 at 4. Ang 29 Abril hanggang 1 Mayo ay Labor Day weekend.
Sinuspendi ng Malacañang, ayon sa nakasaad sa Memorandum Circular 18 na inisyu nitong 21 Abril, ang klase sa lahat ng antas at trabaho sa lahat ng sector ng gobyerno at pribado sa 28 Abril, Biyernes, dahil sa ASEAN Summit.
Kung nais ng pasaheo na bibiyahe patungo at mula sa Maynila mula 28-30 Abril na palitan ang kanilang flight schedules ay maaari nilang i-rebook ang kanilang flights nang libre sa loob ng 30 araw.
Ang mga lilipad ngayong weekend ay pinapayohang dumating sa paliparan nang maaga para iproseso ang pre-departure requirements at maiwasan ang mahabang pila sa check-in, security and immigration counters. Ang CEB Domestic Check-in counters ay bukas nang mas maaga nang tatlong oras bago ang schedule time ng departure at mas maaga nang apat na oras para sa International flights.
Ang lahat ng check-in counters ay isasara 45 minuto bago ang scheduled time ng flights, maliban sa lalabas ng Middle East (one hour) at Shanghai (50 minutes).
Upang mabawasan ang waiting time, ang CEB at Cebgo passangers ay hinihikayat na gamitin ang sumusunod na check-in options:
* CEB Mobile Check-in. I-download ang official Cebu Pacific Mobile App sa App Store or Google Play and tap on the Check-In option. CEB Mobile Check-in is available from seven (7) days to four (4) hours before an international flight, and up to one (1) hour before a domestic flight.
* CEB Web Check-in. Visit the Manage Booking section of the Cebu Pacific website (http://www.cebupacificair.com). For international flights, web check-in is available from seven (7) days up to four (4) hours before scheduled flight departure. Those taking domestic flights can do web check-in up to one (1) hour before their scheduled departure.
* Self Check-in Kiosks. Passengers at NAIA Terminals 3 and 4 and selected domestic airports can use these kiosks to check-in their flights eight (8) hours up to one (1) hour before the scheduled flight departure.
Ang domestic web or mob-ile check-in guests na may check-in luggage ay maaaring ibaba sa bag drop counter nang 45 minuto bago ang flight, ma-liban sa palabas ng Middle East (one hour) at Shanghai (50 minutes). Ang international web or mobile check-in guests ay kailangan magpa-kita sa check-in o bag drop counter nang isang oras bago ang flight para ipresenta ang valid travel documents.
Para sa karagdagang impormasyon sa ASEAN 2017 calendar of events, traffic advisories and rerouting, bisitahin anghttp://www.asean2017.ph, o ang official Facebook page “ASEAN 2017” ng ASEAN 2017 Chairmanship in the Philippines.