MAHIGIT 60 porsiyento ng mga Filipino ang pabor sa pagbabalik ng death penalty para sa mga karumal-dumal na krimen na may kaugnayan sa ilegal na droga.
Batay sa First Quarter 2017 Social Weather Sutations (SWS) survey, lumabas na 61 porsiyento ang nagsabing pabor sila sa pagbuhay muli ng parusang kamatayan, habang 23 porsiyento ang nagsabi na sila ay tutol sa priority bill na ito ng Duterte administration.
Ibig sabihin, mayroong +38 approval score ang reimposition ng death penalty, ayon sa SWS, maituturing na “good”.
Samantala, 16 porsiyento ang nananatiling “undecided” sa nasabing usapin.
Ang nasabing survey ay isinagawa sa tig-300 respondents mula Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao, simula noong 25 hanggang 28 Marso sa pamamagitan ng face-to-face interview.