Tuesday , December 24 2024
Law court case dismissed

2016 Bar Exam result ilalabas sa 3 Mayo — SC

ILALABAS ng Supreme Court (SC) sa 3 Mayo ang resulta ng 2016 Bar Examinations.

Sinabi ng SC Public Information Office, magsasagawa muna ng special en banc session ang mga mahistrado ng SC saka ilalabas ang resulta ng pinakamahirap na pagsusulit sa bansa.

Pag-uusapan anila sa na-sabing sesyon ng Supreme Court justices ang passing grade sa naturang eksaminasyon.

Sa ilalim ng ng Rules of Court, kailangan makakuha ng 75 percent rate ang isang bar examinee sa lahat ng subject upang makapasa.

Ngunit maaari itong ibaba ng mga mahistrado depende sa resulta ng eksaminasyon.

Noong nakaraang taon, aabot sa 6,831 bar graduates ang kumuha ng pagsusulit sa University of Sto Tomas (UST), na isinagawa sa apat na Linggo ng Nobyembre.

Kabilang sa mga subject sa bar exam ang Political Law, Civil Law, Taxation, Labor Law, Criminal Law, Remedial Law, Mercantile Law, Legal at Judicial Ethics.

Si Associate Justice Presbitero Velasco Jr. ang chairman ng 2016 bar exam.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *