INIUTOS ng Supreme Court (SC) na ipagpa-tuloy ang konstruksiyon ng kontrobersiyal na Torre De Manila condominium, binansagang “pambansang photo bomber” para sa mga nagpapakuha ng larawan sa Rizal Monument sa Manila.
Sinabi ni Atty. Theodore Te, spokesman ng SC, sa botong 9-6, ibinasura ng SC ang petisyon na inihain ng Order of the Knights of Rizal (OKR) noong Setyembre 2014, dahil sa apat na rason kabilang ang kawalan ng hurisdiksiyon.
Nakasaad sa petis-yon ng OKR, nilabag ng DMCI ang zoning ordinance ng Maynila at iba pang batas, kabilang ang guidelines sa mga monumento.
Dahil sa reklamo ng grupo ay nag-isyu ang SC ng TRO laban sa kons-truksiyon ng condominium noong Hunyo 2015, at nagsagawa ng oral arguments sa kaso.
Ayon sa Korte Suprema, walang batas na pumipigil sa konstruksi-yon ng gusali kaya’t hindi nila puwedeng sampa-han ng ano mang kaso ang kompanyang nagpa-patayo rito.
“As a consequence of the judgment rendered today, the TRO (temporary restraining order) issued by the Court is lifted,” ani Te.
Magugunitang naging usap-usapan ang pagpapatayo ng 49-storey Torre De Manila dahil sinasa-bing nasisira ang ‘sacred skyline’ ng Rizal Monument.