Tuesday , December 24 2024

PPRC, MMDA, PNP at LGUs, nagkasundo para sa San Juan River

NAGKASUNDO ang Pasig River Rehabilitation Commission (PPRC), Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police (PNP) at mga pamahalaang lungsod ng San Juan, Mandaluyong,  Maynila  at Quezon City para malutas ang mga nakalutang na basura sa San Juan River na karugtong ng Pasig River.

Napagkasunduan na pabibilisin ng PRRC sa pamumuno ni Executive Director Jose Antonio “Ka Pep” E. Goitia ang relokasyon ng mahigit 750 informal settlers families (ISFs) sa Barangay Damayang Lagi sa QC at nangakong aayuda si Romano Rios ng Environmental Protection and Waste Management Department (EPWMD) sa lungsod.

Idiniin ni Goitia na naki-pag-usap sa mga posibleng investor sa China para  sa mga proyekto ng PPRC na target ng ahensiya na mai-relocate ang lahat ng ISFs sa Brgy. Dama-yang Lagi sa 2018 upang tayuan ang lugar ng kapaki-pakinabang na proyekto para makalikha ng maraming trabaho.

Natukoy ni PRRC-Abatement Division chief Virgelito Gutierrez na sa nasabing barangay nagmumula ang mayorya ng solidong basura na nagtutuloy sa  San Juan River kaya sa kanilang operasyon nitong 18-21 Abril ay nakakuha sila ng karaniwang 500 hanggang 750 sako ng basura.

Nangako sina Rios, Jasper Manabat ng City Environment Management Department-Mandaluyong, Dante Santiago ng Community Environment and Natural Resources Office-San Juan at Elaine Rose Aparis ng Department of Public Services-Manila na paiigtingin ang pagpapatupad ng mga ordi-nansa upang matigil ang pagtatapon ng kahit anong basura sa mga ilog, sapa, estero at iba pang daluyang-tubig na nagdidiretso sa Pasig River.

Sa atas ni Goitia, maki-kipag-ugnayan si PRRC Deputy Executive Director Gregorio Garcia sa MMDA at Department of Public Works and Highways (DPWH) upang magkaroon ng pangmatagalang dredging works at boomtrap projects sa San Juan River at aayuda ang PNP na kinatawan ni Sr. Supt. Edmundo Geronimo sa pagpapatupad ng batas kaugnay sa mga taong hindi tumitigil sa pagtatapon ng basura sa San Juan River.

“Ini-report sa akin ni Gu-tierrez ng Abatement Division na may nagtatapon ng basura sa San Juan River na nakalulan sa jeep at trak kaya magpapalagay kami ng CCTV sa mga tukoy na lugar para mapanagot natin sa batas,” sabi ni Goitia. “Salamat at makikipagtulungan ang mga pamahalaang lokal sa layu-ning linisin ang Pasig River at mga karugtong na waterways tulad ng San Juan River. Ta-nging sa pagtutulungan ng lahat matutupad ang ating ha-ngarin na maibalik ang dating ganda ng Pasig River na maipamamana natin sa su-sunod na saling-lahi ng mga Filipino.”

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *