TAMPOK sa Philippine International Literary Festival (PILF) 2017 ang paglulunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa isa sa mga nobela ng kauna-unahang nobelistang Sebwano na si Juan Villagonzalo Irles, ang Walay Igsoon.
Inilimbag noong 1912, higit isang siglo na ang nakararaan, ang Walay Igsoon, na nangangahulugang “walang kapatid,” ay isang kuwento ng magkapatid na naulila at nagkahiwalay dahil sa kalupitan ng pananakop ng mga Kastila — isang paghihiwalay na kalauna’y magbubunsod sa paghihidwa ng magkapatid dahil sa tunggalian ng kanilang mga prinsipyo at kinabibila-ngang uri ng lipunan. Nasa ubod din ng maikling nobela ang usapin ng pandarayuhan ng mga Filipino noon pa mang panahong iyon at ang kanilang mga pasakit para lamang kumita, tulad sa mga OFW ng ating panahon. Tampok sa ilulunsad na bilingguwal na edisyon ng Walay Igsoon ang orihinal na teks-tong nasusulat sa Sebwano at ang salin nito sa Filipino (Walang Kapatid ni Roderick Villaflor, isang guro ng Filipino mula sa Unibersidad ng San Carlos, at ang introduksiyon mula sa Komisyoner ng Wikang Sebwano ng KWF, si Komisyoner Hope Sabanpan-Yu. Bukás sa lahat ang paglulunsad na ga-ganapin sa Huwebes, 27 Abril 2017, 5:00 nh, sa QCX Museum sa Lungsod Quezon, na bahagi ng buong araw na programa ng PILF 2017 na pinangungu-nahan ng National Book Development Board (NBDB).