Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mother Lily, saludo kay Ai Ai

HINDI ikinaila ni Mother Lily Monteverde na malaki ang paghanga niya sa Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas.

Ani Mother sa pagsisimula ng presscon ng pinakabagong handog niya mula sa kanyang Regal Entertainment, ang Our Mighty Yaya, na hinangaan niya ang pagkakaroon ng courage ni Ai Ai bilang isang single working mom.

“She has raised beautiful kids singlehandedly without complain. Ai Ai also is one generous soul who knows no other way but to love til’ it hurts,” anang Regal matriarch na ang Our Mighty Yaya ang handog niya para sa mga inang tulad nila ni AiAi ngayong May 10.

Aniya pa, “It is with great love and admiration that we now thank you for being who you are to all of us. May you continue to be an inspiration to us Ai Ai.”

Ang Our Might Yaya ang pinakamalaki, funniest family comedy film na overload ng fresh, new and zany antics fir para sa riotous Mother’s Day treat ngayong Mayo.

Makakasama ni AiAi sa pelikulang pinamahalaan ni Jose Javier Reyes sina Zoren Legaspi, Megan Young, Sofia Andres, Lucas Magallno, Alyson McBride, at Beverly Salviejo.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …