Saturday , November 16 2024

Ex-PBA star timbog sa umbag sa live-in partner (Habang nakabakasyon sa Baguio)

BAGUIO CITY – Nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004, ang isang retiradong PBA (Philippine Basketball Association) player makaraan bugbugin ang kanyang kinakasama sa Purok Cudirao, Loakan Proper, Baguio City, kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Paul “Bong” Beleno Alvarez, 48, residente sa Valenzuela City, at kasalukuyang nagbabakasyon sa lungsod.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Baguio City Police Office Station 4, nag-inoman ang suspek at ang biktima sa isang kainan. Nagkaroon sila ng argumento ngunit agad din naayos.

Gayonman, habang nasa kanilang tinutulu-yang bahay, muling nagkasagutan ang dalawa hanggang bugbugin ng suspek ang biktima.

Agad nagreklamo ang biktima at sa pagresponde ng mga pulis ay inaresto nila ang suspek.

Magugunitang noong nakaraang taon, hinuli ang retired PBA player makaraan manggulo at makipagsuntukan habang nasa isang bar sa Quezon City, kasabay nang pagkompirma ng QC Police District, na kabilang si Alvarez sa kanilang drug watchlist

Si Alvarez ay binansagang “Mr. Excitement” dahil sa mataas na pagtalon at galing sa slam-dunk, at naglaro sa iba’t ibang team ng PBA noong 90s.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *