HINDI babaliktarin ni Ombudsman Conchita Carpio Morales ang posisyon niyang ibasura ang corruption cases na kinakaharap ni da-ting Pangulong Benigno Aquino III.
Iginiit ni Morales, wala siyang nakikitang probable cause para sampahan ng kaso si Aquino kaugnay ng Disbursement Acceleration Program (DAP).
Aniya, wala siyang magagawa sakaling walang makitang ebidensiya laban sa dating Pangulo kaugnay ng DAP.
Binigyan-diin ni Morales, hindi siya natatakot sa posibilidad na siya ay ipa-impeach dahil sa posisyon niyang huwag sampahan ng kaso si Aquino.
Dagdag ni Morales, wala siyang ginawang impeachable offense.
Nagpapasalamat siya sa Korte Suprema dahil sa pagbasura sa disbarment case na isinampa laban sa kanya.