Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Singer-aktres, ‘di mabili ang gusto kahit super work

GRABE naman pala kung higpitan ng isang showbiz mom ang kanyang mga anak pagdating sa paggastos ng pera to think na sila naman ang naghahanap-buhay.

Ito ang mismong himutok ng isang singer-actress sa kanyang mudra na lagi na lang daw kontrabida sa tuwing mayroon siyang gustong bilhin para sa sarili.

Sey ng taong malapit sa singer-actress, ”Siyempre, trabaho nang trabaho si (name ng female celebrity), natural lang na bigyan niya ng bonus ang sarili niya, ‘di ba? One time, nabanggit niya sa mudra niya na balak niyang bumili ng Rolex watch. Mga daang libong piso rin ang halaga niyon, pero bakit ba? She deserves it for working so hard.”

Kaso, umeksena raw ang madir nito, ”Anong Rolex watch-Rolex watch ang gusto mong bilhin? Buti pa, kaysa bumili ka ng mamahaling relo, eh, bumili ka na lang ng lupa. Roon mo i-invest ang perang kinikita mo!”

Hindi na raw maipinta ang nakabusangot na mukha ng singer-actress, kaya naihinga niya ito sa kanyang mga malalapit na kaibigan. Payo ng mga ito,”’Yun ba ang gustong mangyari ng madir mo? Puwes, dumakot ka ng lupa at ‘yun ang gawin mong relo!”

Da who ang kaawa-awang singer-actress na walang kalayaang bilhin ang gusto niya mula sa perang pinagpapaguran naman niyang kitain? Itago na lang natin siya sa alyas na Connie Gondola.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …