MAPALAD na nanalo ang isang mananaya ng mahi-git P137 milyong jackpot prize sa Lotto 6/55 draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office nitong Sabado, 22 Abril.
Sa website ng PCSO, nakasaad na mayroong isang nakatama sa winning combination ng 6/55 draw, na 34-42-08-15-23-20.
May kabuuan itong premyo na halagang P137,209,344.00
Mula Enero ngayong taon, ito pa lamang ang ika-lawang pagkakataon na tinamaan ang winning combination sa Lotto 6/55.
Ang una ay noong 21 Enero, isang mananaya ang tumama ng premyong umaabot sa P107.366 milyon.
Samantala, walang tumama sa isa pang draw nitong Sabado sa 6/42, may winning combination na 41-10-04-20-28-02
Mayroon itong papremyong P9,898,988.00.