Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn Bernardo at Julia Montes, special ang friendship!

ESPESYAL ang friendship nina Kathryn Bernardo at Julia Montes. Nagsimula raw ito nang gawin nila ang seryeng Mara Clara sa ABS CBN na na-ging simula na rin nang paghataw ng kanilang respective showbiz career.

Guest last week ang dalawa sa Magandang Buhay nina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros at dito’y naikuwento nila ang simula ng kanilang closeness.

“Hindi ko po ini-expect na magiging ganoon kami ka-close sa Mara Clara, ‘di ko ini-expect na magki-click kaming dalawa. Kaya ayun, naging madali para sa amin ‘yung trabaho, ‘yung mga mall shows, out of town, kasi kami ‘yung magkasama sa lahat. Kami ‘yung original love team,” nakangiting saad ni Kath.

Pahayag ni Julia, “Yes, kasi parang doon na po nagsimula ‘yung bond. Siyempre ang hirap-hirap ‘pag di kayo okay sa isa’t isa tapos mag-aaway kayo.”

Pakli ni Kath, “Oo, oo. Sabunutan hahaha!”

“Oo, so dahil doon mas lalo kaming naging close,” pagsang-ayon naman ni Julia ukol sa mga eksenang kailangan silang magtarayan, mag-away, at magsabunutan noong panahon na ginagawa nila ang Mara Clara.

Kahit daw kalaunan ay nagkaroon sila ng kanya-kanyang project ay na-maintain pa rin nila ang kanilang friendship. “Siguro ‘yung communication pa rin, kasi kahit na-specially si Kath, after no’ng nagkatrabaho kami sa growing up, naging busy. Mayroon pa rin kaming communication.” Esplika naman ni Kath, “Yun din, communication. Kasi dati, hanggang ngayon! May group kami with Ate Dimples Romana, ako, si Julia, tsaka ‘yung isa naming writer, si ate Danica,” ani Julia.

Nagbalik-tanaw pa si Julia nang ipagtanggol niya noon sa social media ang kaibigan. “Ako na-experience ko with Kath, minsan – kung naalala ng iba, sumagot pa ko sa IG that time, kasi parang…minsan kasi ‘yung tao ‘pag nakikita nila ‘yung isang tao o artista, may magawa lang na isa, feeling nila iyon na ‘yung pagkatao ng isang artista. So ako, that time parang, ‘Teka lang hindi,’ kakatapos lang namin ng Mara Clara noon, so parang nasa hyped ako ng, ‘Kilala ko si Kath no! Hindi, hindi…’  So may sinagot ako.”

Pahayag naman ng ka-tandem ni Daniel Padilla, “Kay Julia, so far wala pa naman ‘yung nandoon ako, kasi alam nila ‘pag nangyari yon, lagot sila. So wala pa namang naglakas-loob na pag-usapan sa harap ko, parang grabe naman kapag ginawa… Pero if ever na gawin nila ‘yon, alam naman… kahit sinong kaibigan ko, kapag family, kaibigan ko, of course nandito ako. Role natin ‘yon na protektahan at ipagtanggol ‘yung kaibi-gan.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …