Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item

Gay comedian, hitsurang multo sa inuupahang bahay makapagtago lang sa landlady

TEKA, hindi ba’t maninirahan na sa isang condo unit ang gay comedian na ito? Buwelta namin sa nagtsika na pinagtataguan daw nito ang kanyang kasera.

“Condo unit? Parang hindi naman yata ako na-inform,” giit ng aming source. ”Kung ganoon, eh, bakit balitang-balita na hindi na umuuwi si (pangalan ng gay comedian) sa inuupahan niyang bahay dahil ayaw niyang magpakita sa landlady niya?”

Hirit pa nito, ”As in hindi na nga siya umuuwi roon. At alam mo ba, para makaiwas sa kasera niya, ang ginagawa niya, eh, ‘pag nasa bahay na siya, pinapatay niya ang ilaw sa loob para kunwari, wala siya sa bahay.”

At ‘di pa nakuntento, ”Gusto mo pa ng tsika? Kapag maliligo naman siya, eh, dahan-dahan lang siyang magbubuhos ng tubig sa katawan niya para hindi marinig ang ingay ng tubig. Nakapatay din ang ilaw sa banyo, hitsurang kinakapa-kapa lang niya sabon, timba, tabo, at tuwalya niya!”

Da who ang gay comedian na ito na malaki rin daw magpatalo sa e-games ng kanyang kinikita mula sa mga pinanggagalingang show? Itago na lang natin siya sa alyas na Athena Gaisano.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …