Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blessing sa KathNiel love team umaapaw movie kumita nang mahigit P300-M

HALOS two weeks na sa mga sinehan nationwide ang “Can’t Help Falling In Love” nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na as of presstime ay kumita na ng mahigit P300 milyon sa takilya pero hindi pa rin natitinag hanggang ngayon ang haba ng pila ng moviegoers.

Sa Fisher Mall Cinema last Saturday kahit 9:00 pm ay pinipilahan pa rin ang KathNiel film, at na-witnessed namin ito ng aking kids sa pamamas-yal sa nasabing mall sa Kyusi. Ibig sabihin ay matindi talaga ang hatak nina DJ at Kath at hindi sila pinagsasawaan ng kanilang fans and supporters.

And this year umaapaw na naman ang blessings ng nasabing tambalan dahil bukod sa certified blockbuster na latest movie sa Star Cinema ay tuloy-tuloy ang taping ng dalawa para sa kanilang bagong teleserye sa Star Creatives na La Luna Sangre na may special participation sina Angel Locsin at John Lloyd Cruz na bumida noon sa Imortal.

In demand rin hanggang ngayon ang nasa-bing hotties Kapamilya love team sa mga product endorsement at patuloy na napapanood sa iba’t ibang bansa ang version nila ng Pangako Sa Iyo kasama sina Ian Veneracion at Jodi Sta. Maria.

Hashtag  #KathNielPatuloySaPagkinangAngKarera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Beauty Gonzalez

Beauty certified yoga instructor na

I-FLEXni Jun Nardo MATAPANG, bumiyahe mag-isa si Beauty Gonzales, huh! Ginawa niya ‘yan nang pumunta siya …

Robi Domingo John Lloyd Cruz

John Lloyd at Robi muntik daw magsuntukan sa kasal nina Zanjoe at Ria

MA at PAni Rommel Placente HOW true na muntik na raw magsuntukan sina Robi Domingo at John Lloyd …

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …