ANTIQUE — Ilang manlalaro at mananayaw ang nanghina at hinimatay dahil sa matinding init, sa pagbubukas ng Palarong Pambansa 2017 sa San Jose de Buenavista, Antique nitong Linggo.
Hindi kinaya ng mga atleta mula sa iba’t ibang rehiyon ang init sa track and field oval ng Binira-yan Sports Complex, habang nakapuwesto sa gitna ng field sa pagpapatuloy ng programa.
Wala pang ibinibigay na datos ang medical team hinggil sa insidente.
Kinailangan ilipat ang ibang mga biktima sa ka-lapit na gusali upang doon gamutin nang hindi na sila magkasya sa tent na itinayo sa gilid ng sports complex.
Bukod sa ilang mga atleta, may ilang miyembro ng Antique Dance Sports ang dinala sa mga ambulansiya upang big-yan ng agarang atensiyon. Isa ang grupo sa nagtanghal sa pagbubukas ng Palaro.
Inilipat ang mga atleta sa bleachers ng sports complex upang sumilong para hindi na madagdagan ang bilang ng mga nanghihina at hinihimatay.
SUPLAY NG PAGKAIN
PARA SA ATLETA
SA PALARO LIMITADO?
BAGUIO CITY – Problema ng delegasyon ng Cordillera, na kalahok sa Palarong Pambansa 2017, ang limitadong suplay ng pagkain sa lalawigan ng Antique.
Sinabi ni DepEd-Baguio sports coordinator Fernando Eleponga, limitado ang suplay ng pagkain doon kaya lahat ng palengke ay pinupunta-han nila upang makabili ng mailulutong pagkain ng mga atleta.
Bukod dito, malaking bagay ang hiwa-hiwalay na playing venues dahil ang ibang laro ay gaganapin sa ibang mga gusali at hindi sa nasasakupan ng sports area.
Gayonman, sinabi ni Eleponga, aktibo ang mga opisyal at kinauukulang personnel doon, dahil kontrolado nila ang lahat ng bagay tulad ng transportasyon upang hindi gula-ngan o itaas ng mga driver ang pasahe ng mga delegado.