HALOS 2,000 indibidwal ang lumikas nang sumiklab ang panibagong sagupaan ng militar at mga teroristang Maute sa Lanao de Sur, kahapon ng madaling-araw.
Batay sa report mula sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Offi-ces (MDRRMO), sa bayan ng Piagapo, 416 pamilya o 1,828 katao ang lumikas, habang sa bayan ng Wao ay 57 pamilya o 200 indibidwal, dahil sa takot na maipit sa labanan.
Unang sumiklab ang labanan nitong Biyernes, 21 April, at sinundan dakong 5:45 kahapon.
Agad namahagi ng relief goods ang pamahalaang lokal ng Lanao del Sur sa nagsilikas na mga sibilyan.