Saturday , November 16 2024

‘Tokhang’ vs press freedom hinataw (Sa Writ of Amparo); Sabwatan ng gov’t officials inilantad ng petitioners

042117_FRONT
HINILING kahapon ng pahayagang HATAW D’yaryo ng Bayan sa Korte Suprema, sa pamamagitan ng kanilang abogado na agad ipatigil ang ginagawang persekusyon, panggigigipit at pandarahas sa dalawang kolumnista at editor ng pahayagan na pinaniniwalaang bunsod ng sabwatan ng isang barangay chairman, opisyal ng pulis, chief prosecutor at dalawang hukom.

Sa Writ of Amparo na inihain ni Atty. Berteni “Toto” Causing, legal counsel ng HATAW, hini-ling ng mga petitioner na sina Jerry Yap, kolumnista; Percy Lapid, kolumnista; at Gloria Galuno, editor, na pigilin ang ginagawang ‘tokhang’ o tahasang panggigipit sa press freedom at freedom of expression sa pama-magitan ng ‘makapangyarihang’ pag-abuso at paggamit sa kanilang posisyon ng mga nagsasabwatang awtoridad na nakaluklok sa lokal na pa-mahalaan, sa pulisya, sa piskalya ng Maynila at sa hudikatura.

Tahasang tinukoy sa petisyon na inihain ni Causing ang sabwatan nina Manila Chief Prosecutor Edward Togonon, Manila Regional Trial Court (RTC), Branch 34, presiding judge Liwliwa S. Hidalgo-Bucu, barangay chairwoman Ligaya Santos, Manila RTC, Branch 20, presiding judge Marivic T. Balisi-Umali at S/Insp. Rosalino Ibay para magtagumpay ang tahasang pandarahas sa mga mama-mahayag na tumutuligsa sa mga tiwaling gawain ng ilang opisyal ng pa-mahalaan at alagad ng batas.

Dahil sa nasabing ‘makapangyarihang’ sabwatan, kinukupot o ginigipit ang press freedom at freedom of expression sa Maynila.

Ang sabwatan ay hindi maikakailang naganap nang aprubahan ni Togonon ang mga kasong libel laban kina Yap, Lapid at Galuno, gayong malinaw na wala na-mang actual malice.

At lalo pa itong na-patunayan nang aprubahan ni Togonon ang anim na bilang ng kasong Libel na inihain ni Santos kahit nauna na itong naibasura dahil wala namang probable cause.

Naniniwala ang mga petitioner at ang kanilang abogado na kung hindi nila tatawagin ang atensiyon ng Korte Suprema, ang Maynila ay tuluyan nang magiging mapa-nganib na lungsod para sa mga mamamahayag na naniniwalang may umiiral na kalayaan sa pamamahayag sa Filipinas.

Isang kakatwang pangyayari sa hurisdiksiyon ni Togonon ang pag-apruba sa kaso kahit hindi wasto ang mga impormasyon ng complainant para pagpasyahang mayroon ngang probable cause ang kasong Libel.

Nang maghain ng motion to quash ang pa-nig nina Causing dahil sa lack of jurisdiction hindi ito pinakinggan ng korte at isinampa pa rin ang kaso.

Sa kabila nito, pina-yagan ni Togonon na maghain ng amended information ang panig ni Ibay upang ituwid ang maling desisyon.

Pinatunayan lamang ni Togonon na wasto ang unang hakbang ng mga petitioner (Yap, Lapid at Galuno) nang  sila ay maghain ng motion to quash.

Dahil sa mga nasa-bing basehan, hiniling ng petitioners sa Korte Suprema na bigyan sila ng temporary protection order laban sa mga nagsa-sabwatang opisyal.

Idiniin din sa petis-yon na ang nasabing kaso ay malinaw na ha-limbawa ng ‘tokhang’ vs press freedom na nararapat nang ‘arestohin’ sa pamamagitan ng pagsunod sa tamang proseso ng batas.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *