Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Raffy Reyes, nagpamalas ng husay sa pelikulang Bubog

KAHIT baguhan pa lang si Raffy Reyes, nagpakita siya ng mahusay na performance sa debut film na Bubog ni Direk Arlyn Dela Cruz. Ang pelikula ay sumasalamin sa nangyayaring giyera ngayon ng pamahalaan kontra sa droga.

Inusisa namin ang role niya sa pelikula. “Ang aking role sa pelikula ay ang nangangarap na “fresh grad” na si Armand Sanchez. Pangarap niyang maging reporter mula nang siya’y nagtapos sa kolehiyo.

“Sa pelikula, nais niya pong ilabas ang katotohanan sa likod ng mga pagpatay sa mga taong gumagamit ng droga, sa pamamagitan ng kanyang trabaho bilang isang field reporter. Sa kanyang palagay, may istorya sa likod ng mga “summary executions” na nagaganap mula nang umupo sa puwesto ang bagong presidente (sa pelikula) na si Ronaldo Delgado. Ngunit, sa kalagitnaan ng pelikula, siya’y may matutuklasan tungkol sa kanyang pamilya na magpapabago sa kanyang buong buhay,” pahayag ni Raffy.

Paano siya nagsimula sa showbiz? “Nagsimula po ako sa showbiz noong ako’y nakakuha ng aking unang commercial sa Smart Telecoms noong nakaraang Agosto, 2016. Maliban doon, lumabas rin po ako sa ibang mga komersiyal at nakapasok po ako sa pelikulang Bubog noong ako’y natanggap sa aking pinag-audition na role,” wika ng 23 years old na actor na nagtapos ng Business Management sa Ateneo de Manila University.

Dagdag pa niya, “Nagkaroon po ako ng mga acting workshop noong ako’y nasa Ateneo de Manila University. Sumali po ako sa isang organisasyong pangteatro-ang Blue Repertory. Doon, binigyan po ako ng mga acting workshop para masanay sa pag-arte sa entablado. Nakatulong siya sa pagkasanay kong umarte sa harap ng mga manonood.

“Nagbigay din si Direk Arlyn ng acting workshop para sa Bubog, na ang namahala ay si Julio Diaz bilang head coach namin sa cast. Sa paghahanda sa aking role para sa Bubog, inaral ko po ang aking character at binuo ko po siya sa aking isipan gamit ang mga itinuro sa akin sa mga acting workshop. Ito’y para mas maging solid at totoo ang character kapag siya’y nasimulan ko nang artehan. Nakipag-usap din ako kay Direk Arlyn ukol sa mga nais kong malaman tungkol sa aking character para mas madali ko pong mabigyan ng buhay ang pag-arte rito.”

Mula sa Blank Pages Production at Asian Premier Resources Trading Corporation nina Andrea Cuya at Aya Sycon, tampok sa Bubog sina Julio Diaz, Elizabeth Oropesa, Jackie Lou Blanco, Juan Rodrigo, Allan Paule, Jak Roberto, Karl Medina, Janice Jurado, Kristofer King, Chanel Latorre, Jemina Sy, at iba pa.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …