Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nyoy, aarya bilang isang ama at magsasaka sa MMK

BUHAY kontesero! Sa Sabaso, Abril 22, matutunghayan na sa MMK (Maalaala Mo Kaya) ang istorya ng buhay ng Tawag ng Tanghalan winner sa It’s Showtime na si Noven Belleza.

Mula sa panulat nina Benson Logronio  at Arah Jell Badayos, idinirehe ni Nuel Naval sina Khalil Ramos (na gaganap bilang Noven), Noel Comia (batang Joven), Isaac Tangonan, Jane de Leon, Tess Antonio, Nyoy Volante, at Meryll Soriano.

Tubong Negros Occidental ang pamilya ni Noven. Labing-isa silang magkakapatid. At nakalakihan na nito ang pagsali sa singing contests. Na lubusang sinuportahan ng amang si Rey (Nyoy). Pero habang nagpapalit ang panahon eh, nag-iba na rin ng interes si Noven at pinangarap na sumali sa Sepak Takraw team. Na tinutulan ng ama na nagiging sentro ng pagtatalo nila. At nang  nawalan ng maitutustos ang ama sa pag-aaral niya, binalikan niya ang bukid.

Naisip niyang balikan ang pagsali sa singing contest. Pero pinagtatalunan din nilang mag-ama ag mga kinakanta niya. At sinukuan siya ng ama pero nagpatuloy lang si Noven hanggang binago ng TNT ang lahat. Kaya sa finals ng TNT kinanta niya ang awit na hindi niya estilo kundi ang gusto ng ama. ‘Yun pala ang maghahatid ng tagumpay sa kanya!

Abangan ang pag-arya ni Nyoy sa nasabing episode! Bilang isang ama. Bilang isang magsasaka!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …