Saturday , April 12 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Sabwatan’ ng mga ilegalista binigo ng Bulabugin

KAHAPON matagumpay nating binigo ang hangarin ng mga ‘ilegalista’ na ipahiya ang inyong lingkod dahil sa kaduda-dudang pagkaka-reversed ng kasong libel na inihain laban sa atin ng isang ‘balat-sibuyas’ na barangay official.

Hindi natin maintindihan kung ano ang kinaiinggitan ng mga ilegalista sa inyong lingkod kaya kinakaladkad pa ang ating pangalan sa lakad nilang pangongotong.

FYI lang po, Libel ang kasong kinakaharap natin at hindi extortion o murder.

At wala pong nakahihiya sa kasong Libel lalo’t bantad sa publiko ang katotohanan na ang nagsampa ng kaso ay tila may pinoprotektahang ‘ilegal’ sa Liwasang Bonifacio.

Hindi na nahiya kay Gat Andres Bonifacio ang mga hidhid at sugapa sa kuwarta!

Ang Libel ay normal sa buhay ng mga mamamahayag na nagbabandila ng katotohanan sa ngalan ng press freedom.

Gusto sanang ulitin ng sabwatan ng mga ilegalista ang ginawa sa atin noong April 5, 2015 (Easter Sunday) na inabangan ng mga pulis ng Manila Police District (MPD) ang inyong lingkod sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para ipahiya. Halatang-halata ang planadong harassment laban sa inyong lingkod.

Pero nabigo sila. Mas minabuti natin na mag-voluntary surrender sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil mas may tiwala tayo sa mga operatiba nila kaysa ibang law enforcers group o units sa Maynila.

Sa tulong ng mga kaibigan na nakakikilala sa inyong lingkod, nagsumite tayo sa proseso ng batas sa ilalim ng kagalang-galang at may integridad na NBI.

Kaya sa ‘tube’ pa lamang eroplano ay ginawa na natin ang boluntaryong pagsuko.

Kasunod nito dumiretso tayo sa regional trial court (RTC) para maglagak ng piyansa.

Halatang-halata ang maitim na balak ng mga ilegalista nang gapangin ang mga weekly newspaper para ilabas ang ‘puwet’ ‘este press release laban sa inyong lingkod.

Mayroong pumatol na dalawang weekly newspaper na “copy paste” na “copy paste” ang inilathalang balita, wala man lang binago.

Kung kumita man sila, sana ay hindi sila nabarya-barya dahil laksa-laksang kuwarta ang koleksiyon ng nagpa-press release mula sa illegal terminal.

By the way, dapat sigurong imbestigahan ng mga Romualdez ang isa nilang diyaryo (ta-nging broadsheet na pumatol sa inilakad na press release) na napakalaki ang ginawang ‘treatment.’ Isang reporter nila na kumpare at kabarkada ng isang ‘buenas’ na abogado ang sinabing nanggapang.

Talagang napakalaki ng inilaang espasyo sa press release na kung advertisement ang isinalpak nila, tiyak na kumita ang diyaryong sabi ay nagre-retrench na ng mga empleyado dahil hindi na kayang magpasuweldo.

Aray ko!

Maliban na lang kung malaki ang iniluwal na kuwarta ng nagpa-press realease?!

Imbes tulungan umahon ang kanilang publikasyon, pumapatol sa barya-baryang press release kapalit ng barya-baryang ilalagay sa kanilang bulsa. Ang mensahe natin sa mga hindi mapagkatulog (aba, matulog kayo’t mukha na kayong mga bato): “Better luck next time!”

If there is next time…

Yahoo, yahoo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kabastusan ng Russian vlogger, winakasan na ni PMG Torre III

AKSYON AGADni Almar Danguilan HALOS araw-araw naiuulat na may mga kababayan tayong overseas Filipino worker …

YANIG ni Bong Ramos

Ipinapakitang supporta sa mga Duterte walang silbi

YANIGni Bong Ramos WALANG SILBI at balewala ang ipinapakitang suporta sa mga Duterte sa Davao …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QCPD kinilalang No. 1 sa kagalingan vs kriminalidad sa NCR 

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKAGANDA ng pasok ng Abril sa Quezon City Police District (QCPD). …

Dragon Lady Amor Virata

Ang political dynasty, bow
Magpinsan sa Las Piñas, hipag at bayaw sa Parañaque

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGULO, sabi ng mga Parañaqueños, hindi ang eleksiyon, kundi …

Firing Line Robert Roque

Indecent proposal

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. “…ANG mga solo parent na babae na nireregla pa, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *