Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

26 patay, 21 sugatan sa Nueva Ecija (Bus nahulog sa bangin)

041917_FRONT
DAGUPAN CITY – Umakyat sa 26 katao ang patay, habang 21 ang sugatan sa nahulog na bus sa bangin, sa bahagi ng Capintalan, Caranglan, Nueva Ecija, nitong Martes ng umaga.

Ayon kay Michael Calma, Chief Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Nueva Ecija, nasa 26 ang kompirmadong patay habang 21 ang sugatan.

Sinabi ni Calma, ang mga namatay ay kinabi-bilangan ng 18 babae at ang iba ay lalaki.

Lulan ng Leomarick Bus ang 45 pasahero pa-puntang Ilocos-Abra area, nang mangyari ang insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, nawalan ng preno ang mini-bus kaya nahulog sa bangin, may lalim na 100 talampakan.

Maraming ambulansiya mula sa karatig na mga bayan ang nagtulungan para madala sa mga ospital ang mga nasugatan.

Sinabi ni Dr. Arlene Jara, hepe ng Nueva Vizcaya Provincial Hospital sa Bambang, Nueva Vizcaya, nasa 13 ang patay na dinala sa kanila, habang 14 ang sugatan.

Samantala, ang iba pang kritikal na pasahero ay dinala sa regional hospital sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ayon kay Dr. Napoleon Obaña, chief of medi-cal professionals ng Veterans Regional Medical Hospital sa Bayombong, 24 ang dinala sa kanilang ospital, at isa ang idineklarang patay.

Isa ang isinalang sa operasyon dahil sa problema sa sikmura.

Apat bata ang nasa intensive care unit (ICU) ng Veterans Regional Medical Hospital dahil sa pinsala sa ulo.

Ang mga bata ay tinatayang nasa edad da-lawa hanggang limang taon gulang.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …