Friday , November 15 2024

4 Pinoy patay sa sumabog na gulong (Sa Abu Dhabi)

041717_FRONT
ABU DHABI – Apat Filipino ang namatay sa isang aksidente sa Abu Dhabi sa kalagitnaan ng Visita Iglesia.

Kabilang sa namatay sina Veronica Dulay, Daniel Paulo Paraiso, Ian Elli, at Marvin Mendoza.

Samantala, naka-confine sa isang pagamutan ang kapatid ni Paraiso na si Ana Paula, at kapatid ni Mendoza na si Mary Ann.

Sa unang impormasyon, sumabog ang gulong ng sinasakyan ng magkakaibigan nitong Biyernes ng umaga sa Al Shahama.

Bumaba ang driver na si Dulay kasama sina Daniel, Marvin at Ian Elli para tingnan ang pumutok na gulong habang naiwan ang mga kasama sa loob ng sasakyan.

Saktong may mabilis na sasakyan sa likod na siyang bumangga sa apat at sa kanilang nakaparadang sasakyan.

Kasalukuyang nasa morgue ng Khalifa Hospital ang labi ng apat.

Iniulat na itinakbo rin sa hospital ang nakabangga sa kanila.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente.

Nakikipagtulungan na ang Embahada ng Fi-lipinas, Konsulado ng Fi-lipinas sa Dubai at ilang organisasyon ng mga Fi-lipino sa United Arab Emirates, sa kaanak ng mga biktima.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *