May kumita pa rin sa deportation ng mga Chinese?!
Jerry Yap
April 11, 2017
Bulabugin
MABUTI naman daw sa wakas at na-deport na rin lahat ang natitirang Tsekwa na nahuli sa isang online gaming casino riyan sa Fontana Leisure Parks & Casino, Inc., na pag-aari ng Chinese businessman na si Jackol ‘este Jack Lam.
Matatandaang mahigit 1,000 Chinese nationals ang sinakote ng Bureau of Immigration (BI) ahil sa kanilang partisipasyon sa isa sa pinakamalaking kontrobersiya na kinasangkutan at ikinasibak ng dating dalawang BI buwiset ‘ehek asso-shit ‘este associate commissioners Michael Robles at Al Argosino gayondin ang tumatayong hepe ng intelligence noon na si retarded ‘este retired PNP Gen. Charles Calima.
Hanggang ngayon nga ay hindi pa tapos ang imbestigasyon sa kanila at wala pang kasiguruhan kung kasong kriminal ba o administratibo ang ipapataw sa mga sangkot.
Ito rin marahil ang dahilan kung bakit uminit ang status ng Bureau at sinasabing isa ito sa mga factor kung bakit tuluyang inalis ang overtime pay ng mga kawani.
Bagamat maraming personalidad ang na-involved sa kontrobersiyang ito, may ilan ding pinalad na nakinabang nang husto habang inaayos ang proseso tungkol sa deportation proceedings ng mga tsekwa.
Weh, ‘di nga?!
Aba’y oo naman!
Not one, not two, but many of them were lucky enough para makatikim ng katas ng mga Tsekwa sa Fontana habang inaayos ang deportation.
Kasama na rito ‘yung mga dinaanan ng mga papeles ng deportation, mga operatibang sumali sa operation, ultimong escorts at guwardiya na naatasang magbantay ay nakaamot ng grasya habang hindi pa nade-deport ang mga nasabing mga Chinese?!
Bukod sa matataas na opisyal na muntik nang magkamal nang husto, may ilan din sa ibaba ang naambunan habang dinidinig ang proseso ng deportation.
Ay sus, kaya naman pala pumutok nang todo!
Isipin na lang na 50 mil kada ulo raw ang siningil sa bawat deportation ng mga natirang tsekwa at P3,000 naman para sa mga naatasang mag-escort para ihatid lang sa airport bago i-deport?!
Pusang gala!
Talaga palang pinagkakitaan nang husto ang mga alipores ni Jack-ol ‘este Jack Lam!
Pero ano itong narinig natin na dalawang opisyal daw ng Bureau ang nakinabang nang husto sa biyaya ng mga for deportation noon na tsekwa?
Kasi raw ay 50 mil nga at tres mil kada ulo nga raw ang charge sa bawat ulo na made-deport nila.
Sus mariano garapon!
Kalaki namang kuwarta niyan!
Sa dami ng mga nai-deport siguradong jackpot ang dalawang personalidad na ‘yan!
Kasuwerte naman ng mga hinayupak!
At sino naman daw ba ang dalawang BI officials na ‘yan?
Bahala na kayo magtanong diyan sa bawat sulok ng BI main office!
Basta ako paborito kong putahe ay “relyeno” at “pecho!”
Yum! Yum! Yum!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap