May gestapo ba sa QCPD-DSOU?
Jerry Yap
April 11, 2017
Bulabugin
NAGTATAKA tayo kung bakit kailangan umaktong tila mga Gestapo ang mga kagawad ng District Special Operations Unit ng Quezon City Police District (QCPD-DSOU).
Mayroon kasing nakakulong na 21 katao na inakusahan ng DSOU na dinakip nila dahil umano sa kasong ‘cybersex.’
Mula nang lumakas ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa ilegal na droga, tila naghanap ng ibang matatrabaho ang DSOU.
Sa totoo lang, ang mga isinasangkot ng DSOU-QCPD sa kasong cybersex, ay hindi talaga nila nahuli sa ganoong gawain.
Ang hindi natin maintindihan, bakit kailangang kalbohin, kikilan at bugbugin ang mga dinakip ng DSOU.
Si Atty. Berteni “Toto” Causing ay abogado namin at kahit kailan ay hindi siya hahawak ng kaso, sa ngalan lang ng kuwarta.
Ang 21 lalaking ‘yan ay kliyente ni Atty. Causing dahil nakikita niyang napaglalaruan ng mga law enforcers gamit ang batas sa cyber crime.
Sa totoo lang, hanggang sa kasalukuyan ay hindi klaro ang cyber crime, kaya nagtataka tayo kung bakit nasasampahan ng kasong cyber crime ang mga simpleng chatters.
Kung hindi tayo nagkakamalil, ilang opisyal ng pulisya sa QCPD, ay interesadong makuha ang dinakip nilang chatters para sila mismo ang makapagtayo ng cyber-chat.
Mas magiging masaya ang inyong lingkod kung magkakamali ako sa aking hinala.
Pero kung magkatotoo, isa tayo sa labis na malulungkot.
Isang impormasyon ang natanggap natin, mula mismo sa sirkulo ni Supt. Rogarth Campo, target ng kung sinong opis-yal sa QCPD na ipirata ang chatters para makapagtayo ng sariling cyber chat.
QCPD Director, C/Supt. Guillermo Eleazar Sir, puwede bang pakiimbestigahan ninyo, ang ilang opisyal ninyo na sinasabing planong magtayo ng cyber chat at namimirata ng agents.
Cyber chat is a legal business at malayong-malayo po ‘yan sa cybersex.
Law enforcers must learn more about businesses based on technology.
‘Yun lang po.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap