Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gerald Santos, pasok ba o hindi bilang Thuy sa UK Miss Saigon?

WALANG big announcement na naganap sa katatapos na konsiyerto ni Gerald Santos, ang Something New In My Life noong Linggo, April 9 na ginanap sa SM North Edsa Skydome.

Maaalalang sa presscon para sa concert ay inanunsiyo ni Gerald na abangan ang isang big announcement. Ang nasa isip ng mga dumalong entertainment press ay sasabihin nito ang pagkakasama sa Miss Saigon UK bilang Thuy.

Pero natapos ang concert ng Prince of Ballad ay walang announcement na naganap, tanging ang sinabi lamang ng binate ay, “last year po nag- audition ako sa Miss Saigon para sa role na Thuy, makuha man ako o hindi happy na ako na na-experience kong makapag-audition sa isang malaking musical play.” Pagkatapos nitoý isang video ang ipinakita ukol sa kung sino ba si Thuy sa Miss Saigon at saka kinanta ang isang awitin sa nasabing play.

Hindi man naianunsiyo ang resulta ng audition nito sa UK Miss Saigon, marami ang naniniwalang pasok ito sa musical play na nagbigay ng best actress award kay Lea Salonga bilang Kim.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …