Saturday , November 16 2024
lindol earthquake phivolcs

Aftershocks sa Batangas 3 buwan aabutin (5.4 magnitude quake yumanig sa N. Samar)

POSIBLENG tumagal ng hanggang tatlong buwan ang aftershocks sa Batangas.

Sinabi ni Phivolcs seismologist Ishmael Narad, ito ay dahil sa magnitude 6.0 lindol nitong Sabado.

Ayon kay Narad, bagama’t karamihan sa mga pagyanig ay hindi lubos nararamdaman, may ilan pang aftershocks na malakas hanggang magnitude 4.0.

Samantala, inoobserbahan ng Phivolcs ang epekto ng lindol sa Bulkang Taal na malapit lamang sa epicenter ng pagyanig nitong Sabado.

Bagama’t iba aniya ang pinagmumulan ng volcanic at tectonic quake, nais nila itong bantayan para agad makapag-abiso kung sakaling may mahalagang mamo-monitor na impormasyon.

5.4 MAGNITUDE QUAKE
YUMANIG SA N. SAMAR

AGAD nilinaw ng Phivolcs, walang kinalaman ang naganap na lindol kahapon ng umaga sa bahagi ng Northern Samar, sa nangyaring serye nang paglindol sa lalawigan ng Batangas.

Sinabi ni Karl Vincent Soriano, science research analyst ng Phivolcs, ang naganap na paglindol dakong 8:43 am, naitala sa 5.4 magnitude, ay tumama sa bahagi ng karagatan, may lalim na 27 kilometers.

Aniya, ito ay may kaugnayan sa paggalaw ng Philippine trench at hindi magdudulot ng ano mang tsunami.

Naramdaman din ang lindol sa ilang bahagi ng Leyte hanggang sa ilang lugar ng Bicol region.

Bago ang main quake na 5.4 magnitude ay nairehistro muna ng Phivolcs ang tinatawag na foreshock, nasa 4.5 magnitude.

Samantala, nagbabala ang Phivolcs na asahan ang mangyayaring aftershocks.

DOH, NAKAHANDA
SA ‘THE BIG ONE’

TINIYAK ng Department of Health (DoH) kahapon, ang kanilang ka-handaan para sa posibleng magnitude-7.2 earthquake na tatama sa Metro Manila.

Sinabi ni Health Secretary Paulyn Ubial, nakahanda ang DoH sa tatlong senaryo sakaling maganap ang tinaguriang “The Big One,” na maaa-ring idulot nang paggalaw ng West Valley Fault.

Ayon kay Ubial, ang magnitude-7.2 earthquake ay maaaring pumatay ng 21 katao, at makasugat ng tinatayang 200,000.

Bahagi ng kanilang nakahandang plano ang pag-preposisyon ng mga supply sa loob ng mga erya ng Metro Manila.

Nauna rito, itinanggi ni Phivolcs chief Renato Solidum, na ang paggalaw ng unnamed fault sa Mabini, Batangas ay posibleng magdulot nang paggalaw ng West Valley Fault.

Aniya, ang dalawang faults ay hindi magkakonekta.

Ang lindol na dulot ng fault sa kahabaan ng Mabini peninsula ay naramdaman din sa Metro Manila, nagresulta sa pa-ngambang malapit nang maganap ang ng “The Big One”

“Ang fault na gumagalaw [sa Mabini, Batangas] ay hindi konektado sa West Valley Fault… So kung ano man ang kilos ng fault na ito ay hindi nito maiistorbo nang ma-tindi ang Metro Manila at hindi ito magti-trigger ng pagkilos ng West Valley Fault,” ayon kay Solidum.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *