Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon-Gabby movie, naudlot na naman

MATAPOS tila mag-urong-sulong at ang sala-salabat na balita ukol sa gagawing movie nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, finally ay official nang hindi na ito matutuloy muna para sa taong 2017.

Bago ito, nagkaroon din ng alingasngas nang lumutang na ang hinihinging TF o talent fee ni Gabby para sa pelikula nila ni Sharon ay 10 million pesos.

Tapos ay tila nabantilawan ang pag-asa ng mga maka-Sharon at Gabby sa reunion movie ng kanilang mga idolo nang ipahayag ni Gabby na nakatali siya sa GMA-7, kaya hindi niya priority ang pelikula with the Megstar.

Sa naunang panayam naman kay Sharon, although aminado siyang nagkaroon daw ito ng aberya sa mga nakaraang buwan dahil sa schedules, wala rin itong katiyakan, kahit na tila umaasa ang aktres na matutuloy pa ito.

Pero base sa Facebook page ng Sharon Cuneta Official, kinompirma dito na hindi muna ngayong 2017 matutuloy ang reunion movie nila ng ex-husband na si Gabby.

“Thanks for all your prayers and I am sorry it’s not pushing through. But please be happy for me — because I am very happy with the new project Star Cinema is now preparing for me! God bless us all. Good night and love you guys!>>>”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …