AMINADO ang actress na si Meg Imperial na hindi siya naging visible sa telebisyon o maging sa pelikula last year dahil sa mga problemang personal na kinaharap.
“I will admit na hindi tayo masyadong naging busy last year. I was going through so many personal problems.
“Pero this year, mas okay na ako. Mas driven na ako to work harder,” ngiti pa niya.
Dagdag pa nito, ”Marami kasi ang nakaaalam na I got depressed years ago and now that I recovered, I’m proud to say na I’m confident with myself now.”
And ngayon nga ay back to work na muli si Meg at thankful siya dahil nabigyan siya muli ng bagong trabaho.
MATABIL – John Fontanilla