NANGANGAMBA ang mga Batangueño, makararanas pa ng mas maraming pagyanig makaraan ang dalawang malalakas na lindol, na pinaghihinalaan nilang dulot ng itinatayong Geothermal project sa Mabini, Batangas.
Ayon sa mga residente ng Mabini, may 100 taon nang hindi nakararanas ng lindol ang kanilang lugar kaya lubha silang nagulat na sa loob ng limang araw ay dalawang beses niyanig nang malalakas na lindol ang kanilang bayan.
May itinatayong Geothermal Project sa San Teodoro, Mabini ang Phinma Energy, isang consortium ng Basic Energy.
Ayon kay Philippine Institute Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) chief Renato Solidum, ang paggalaw ng isang “old and unnamed fault” ang naging sanhi nang magkasunod na lindol sa Batangas .
“It is an old fault which has been triggering small events before but this is not on the ground surface. The fault movement and earthquakes are not related to the geothermal project. Earthquakes are not new in the area but the series of earthquake or earthquake swarm producing moderate magnitude earthquakes has not occurred in the area in many years,” pahayag ni Solidum sa text message.
“Man made activities do not trigger fault movement! Please note that the depth ranges of earthquakes are 4km down to 25 km and many are offshore. The geothermal activity is so shallow!” dagdag niya.
Ngunit sa isang artikulong lumabas sa Time magazine noong 24 Abril 2015, nakasaad na walong estado sa South at Central US ang nakararanas nang mabilis at madalas na pagyanig bunsod ng “human activity” batay sa report ng United States Geological Survey (USGS).
Kabilang sa mga apektadong human-induced earthquakes ang Oklahoma, Alabama, Arkansas, Colorado, Kansas, New Mexico, Ohio, at Texas, ayon sa SGS.
Ito’y resulta ng oil at gas drillers, kailangang i-inject ang bilyon-bilyong galon ng wastewater sa i-lalim ng lupa.
“Energy producers often need to dispose of polluted waste underground to prevent contamination of freshwater. Researchers have suggested that the disposal of drilling wastewater deep underground may increase the stress on fault lines as far as 6 miles away, and subsequently trigger earthquakes,” sabi sa artikulo.
Sa US, ipinaliliwanag ng pamahalaan sa mga residente ang paghahanda sa man-made earthquake at gumawa ng website upang ipaliwanag ang problema.
Sa Filipinas, nagpunta kahapon si Solidum sa Mabini upang pabulaanan ang balita na resulta ng Geothermal plant ang naranasang mga pagyanig.
Idineklara ng lokal na pamahalaan ng Mabini ang “state of calamity” sa kanilang bayan, nakasaad sa Resolution 179-2017.
Tinatayang umabot sa P80 milyon ang pinsala ng mga lindol sa barangay halls, public schools, market, tourism office, at 150 bahay.
ni ROSE NOVENARIO
Kasunod ng lindol
5 SUGATAN, HIGIT 100
AFTERSHOCKS NAITALA
SA BATANGAS
MAHIGIT 100 aftershocks ang naitala pagkatapos nang magkasunod na pagyanig sa Batangas dakong 3:07 pm at dakong 3:09 pm kamakalawa.
Ang lindol na tumama sa Tanauan ay may lakas na 5.6 magnitude, at 6.0 magnitude sa Mabini.
Ang epicenter ng dalawang pagyanig ay natukoy sa Mabini, Batangas, at tectonic ang pinagmulan.
Sa pinakahuling mo-nitoring ng Philippine Institure of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang pinakahuling aftershock ay naitala dakong 2:16 am kahapon sa Tingloy, may lakas na magnitude 2.6.
Una rito, dakong 2:13 am naitala rin ng Phivolcs ang magnitude 3.6 lindol sa San Luis sa parehong probinsiya.
Naramdaman ang intensity 2 lindol sa Puerto Galera, Occidental Mindoro.
Habang 3.7 magnitude na aftershock ang naitala sa Mabini bandang 2:12 am
Sa kabuuan aabot sa mahigit 1,000 aftershocks ang naitala sa Batangas mula nang tumama ang 5.5 magnitude lindol nitong Martes.
Sa ngayon nasa lima katao na ang sugatan dahil sa malakas na lindol.
Kasunod ng pagyanig
5,000 KATAO LUMIKAS
LUMIKAS mula sa kani-kanilang bahay ang mahigit 5,500 katao sa iba’t ibang bayan ng probinsiya ng Batangas, makaraan yanigin nang malalakas na lindol ang Southern Luzon kahapon.
Ayon kay Olivia Luces, Calabarzon-Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) director, mahigit 2,000 residente ng bayan ng Mabini ang lumikas sa harapang bahagi ng municipal hall.
Nabatid na pinakamalakas na naramdaman ang lindol sa Mabini, na umabot ng intensity VII.
Samantala, nasa 3,000 katao ang lumikas sa temporary shelters sa Batangas City.
Sa ngayon, hindi pa matukoy ang bilang ng evacuees sa bayan ng Bauan, Taal, Tingloy, San Pascual, Agoncillo, San Luis at Lipa City.
EARTHQUAKE
SWARM RASON
NG PHIVOLCS
TINATAWAG na “Earthquake swarm” ang nangyayari sa lalawigan ng Batangas, na sunod-sunod ang lindol na nararamdaman.
Ito ang paliwanag ni DoST undersecretary at Phivolcs chief Renato Solidum, kasunod ng 5.5 magnitude lindol nitong Martes sa bayan ng Tingloy; 5.6 magnitude kahapon, at isa pang 6.0 magnitude sa Mabini, Batangas.
Ayon kay Solidum, ang ganitong serye nang pag-yanig ay nangyayari kapag may paggalaw sa ilalim ng lupa na halos konektado lamang o nasa iisang hanay ng fault line.
Bukod sa main quake, marami rin nai-record na aftershocks sa nasabing probinsya.
Sa data ng Phivolcs, mahigit 1,000 mahihinang pagyanig ang tumama mula noong Martes sa Southern Tagalog region.
Ngunit dahil sa mas malakas na lindol nitong Sabado ng hapon, asa-hang tatagal pa ang serye nang pagyanig hanggang sa susunod na mga linggo o buwan.
Samantala, nagpaalala ang ilang mga eksperto na ang lindol ay sinusukat sa pamamagitan ng tinatawag na open-ended Richter Scale.
Dito makikita ang indikasyon ng enerhiya na pinakawalan ng epicenter, na tinatawag na magnitude.
Habang ang intensity ng lindol ay nagagawang madetermina mula sa epekto o nararamdaman ng tao, epekto sa estruktura, mga gusali, geological structures at iba pa.