MULING tatampukan ni Lance Raymundo ang play na Martir sa Golgota mula sa pamamahala ni Direk Lou Veloso. Second time na itong ginagampanan ni Lance bilang si Kristo. Last Friday, naging matagumpay opening night nito sa Greenfield Garden District.
Nagbigay si Lance nang kaunting patikim sa kanilang naturang play. “Ang Martir sa Golgota ay isang play ng Tanghalang Sta. Ana ni Direk Lou Veloso. Ito ay tungkol sa buhay ni Kristo, at ang play na ito ay nagsimula 28 years ago, ito ay itinatanghal every Holy Week season.
“Marami nang artista sa local showbiz ang nakapag-participate rito,” saad ng singer/aktor.
Idinagdag pa ni Lance na excited siya sa pagbabalik sa play na ito at sa muling pagganap sa papel ni Kristo. “I’m excited to perform in this year’s Senakulo and maraming nakapansin na happy nga raw ang aura ko as Christ kahit sa rehearsals pa lang.”
Ano ang masasabi mo kay Direk Lou at sa mga co-stars mo dito? Esplika ng singer/actor, “Twenty eight years na itong ginagawa ni Direk Lou… Nakapanood na ako ng ilang mga pagtatanghal nito at nakasama na rin ako sa cast, pero never nagkapareho ang presentations.
“So, masasabi ko na talagang naging bahagi na ito ng buhay ni Direk Lou and he grows with the production. As he gets older and wiser… He gets deeper understandings and realizations on Christ’s passion and he incorporates all his new learnings sa direction niya.
“Bilib ako sa mga co-stars ko rito, pati rin sa staff at lalo na sa direction ni Lou Veloso, kaya positibo ako na magiging napakaganda ng kakalabasan ng show namin. Our cast is a mix of veterans, celebs, newcomers and first timer. But everyone is so humble and willing to learn from each other. Kaya maganda ang samahan naming lahat at yun ay isa sa pinaka-importante sa isang production na tulad nito.
“Sa linggo ng Holy Week, we have shows sa Subic, Circuit Manila, Sta. Ana, Subic and others, to be announced. Lahat po ng pagtatanghal dito ay libre, free entrance.”
Sinabi rin Lance na higit pa sa fulfillment ang nakukuha mo sa paggaganap dito bilang Kristo. “Higit pa sa fulfillment ito para sa akin at isang karangalan at pribilehiyo na gumanap bilang si Jesus.”
Gaano kahirap ba ang gumanap bilang Hesus?
Sagot ni Lance, “This year… medyo naging mas madali sa akin ang pagganap kay Hesus, kasi mas nag-focus ako sa katotohanan na dahil sa pagmamahal ng Diyos sa atin ay naging tao si Hesus para makahalubilo ang mga tao bilang isa ring tao. At bilang tao, lahat ng kahinaan natin, mayroon din siya. Pero ginamit Niya ang pananalig Niya sa Ama para mamuhay ng banal. Ginawa Niya ito bilang patunay sa ating lahat na kaya rin natin ito.
“So this year, in preparation for my role, I just embraced my humanity and offered my acting talents to God as my instrument in telling His story the best way possible… and I’m doing it in all humility.”
Bukod kay Lance, kabilang sa casts sina Ivy Violan as Virgin Mary, Ced Torrecarreon as Pontius Pilate, Arkin Da Silva as Judas, Jojo Riguerra as St. Michael, Niña Campos at Haydee Mañosca as Mary Magdalene, Kirst Viray as Peter, Junar Labrador as Caiphas, at iba pa.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio