ISANG katuparan ng pangarap ni L.A. Santos ang magkaroon ng sariling album under Star Music.
Kuwento ni L.A., nagsimula lang siya sa pakanta-kanta at ‘di siya makapaniwala na magiging isa siyang ganap na singer at ngayon ay isa nang recording artist ng Star Music. Kaya naman very thankful siya sa kanyang parents sa suportang ibinibigay sa kanya.
Laman ng album ni L.A. ang mga awiting likha ng mahuhusay at tinitingalang kompositor sa bansa tulad nina Maestro Vehnee A. Saturno, Forever’s Not Enough; Jonathan Manalo, Tinamaan; Bruno Mars & Co. When I Was Your Man; Garry Cruz, Miss Terror; at Ikaw Kasi; Garth Garcia, Mine at Bakit Ang Pag-Ibig; at ang komposisyon ng kanyang manager na si Joel Mendoza naHanggang Kailan at One Greatest Love.
Bukod sa pag-awit, gusto ring maging kompositor ni L.A., para maibahagi niya rin ang kanyang talento sa paggawa ng kanta.
Mapapanood na rin ang MTV ni L.A., sa awiting One Greatest Love na kanta para sa mga Ina, Nanay, Mama o Mommy.
MATABIL – John Fontanilla