Monday , December 23 2024

May aasahan pa bang maibalik ang overtime pay?

NOONG nakaraang Linggo ay maraming nag-aabang kung magkakaroon nga ba ng positive response o katugunan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kahilingan ng buong kagawaran tungkol sa pagbibigay muli ng overtime pay sa lahat ng manggagawa ng Bureau of Immigration (BI).

Huwebes ng hapon ang nakatakdang meeting ng gabinete at ayon sa mga opisyales ng IOAP, kasama raw sa agenda ang usapin kung ipagkakaloob muli sa ahensiya ang nawala nilang O.T.

ATM, kasi ay aabot na sa apat na buwan mula nang matigil ang benepisyong inaasahan ng lahat ng kawani ng BI.

Ayon sa ilan, nakasalalay sa kamay ng Presidente ang kapalaran ng lahat ng empleyado.

Make or break, sabi nga!

Naghihintay rin ang karamihan ng resulta kung talagang tuluyan nang ipatitigil ang pagbibigay ng OT.

Kapag nagkataon, hindi malayo na magkaroon ng mass resignation ang halos 30 porsiyento mula sa bilang ng mga empleyado.

Una sa listahan ang mga bata pa o ‘yung mga bagong pasok sa bureau.

Sunod naman ay ‘yung malalakas ang loob at may mga ipinagmamalaking padrino para makapasok sa ibang kompanya o ahensiya ng pamahalaan.

Nakalulungkot isipin na ang isang dating matatag at kinaiinggitang  opisina gaya ng BI ay ganito lang pala ang patutunguhan!

Sa estado nito ngayon ay wala na itong ipinagkaiba sa ibang opisina ng gobyerno na tanging ang kakarampot na basic pay lang ang inaasahan ng mga empleyado.

Ayon na rin sa mga eksperto sa batas, ang tanging nalalabing pag-asa para manumbalik ang dating sistema, ay muling maipasa sa Kongreso ang pag-aamyenda ng panibagong Immigration law.

Ganoon pa man, kahit sabihin pa na tumaas nang 3-5 ang dating salary grade, hindi pa rin nito kayang tumbasan ang laki ng dating overtime pay.

Kung ating pakikinggan ang hinaing ng bawat isa, halos lahat ay talagang apektado na lalo na ‘yung may mga anak pang pinag-aaral.

Halos hindi na raw nila alam kung makapag-eenrol (sa taas ng matrikula) pa sa mga kolehiyo o maging sa high school ang kanilang mga anak sa darating na pasukan.

Ang iba naman ay hanggang leeg na raw ang pagkakautang mairaos lang ang kanilang gastusin sa araw-araw!

Once and for all, desisyonan na rin kung talagang waley na ang OT pay ng mga empleyado para maka-move on na rin sila.

Matira sa bureau ang matitibay at handang maglingkod sa kakarampot na suweldo.

Kung talagang wala nang pag-asa pang maibalik ang dating biyaya ng Express Lane Fund hindi malayo na iisa lang ang papasok sa isip ng sinoman…

Na malaking pagsisisi ang pagkakaluklok nila sa kanilang ibinoto nila noon?!

Well, ganoon naman talaga. Ang pagsisisi ay laging nasa huli!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *