ANO kaya ang gagawin ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ngayong puta-putakting nagsusulputan ang mga kababayan nating ‘nangangahoy’ ng bahay sa mga proyektong pabahay ng pamahalaan.
‘Yan ay mula nang pagpasyahan ni Pangulong Digong na ipagkaloob sa mga miyembro ng KADAMAY na nang-agaw ng bahay sa mga pabahay projects sa City of San Jose del Monte at Pandi, Bulacan.
Malinaw nga naman na anarkiya ‘yan sa hanay ng mga maralita.
Sabi nga ni Digong, ang tanging kasalanan nila ay maging mahirap.
Paano ‘yan?
Sabi sa estadistika, 75 porsiyento ng mga Filipino ay mahihirap at wala kahit lupa sa paso.
Paano kung maisipan ng 75 porsiyento na ‘yan na mang-agaw ng bahay?!
Totohanin kaya ni Pangulong Digong na tatapatan niya ng Bazooka at M-60?
Madugo na naman ‘yan.
By the way, bakit kaya itong mga nang-aagaw ng bahay ‘e hindi subukang agawin ang mga bahay sa Camella Homes, sa Palmera, sa Amaia at sa iba pang proyekto ng malalaking real estate companies?!
Bakit ‘yung mga kapwa mahihirap ang inaagawan nila?!
Bakit hindi ang mga oligarch ang agawan nila ng bahay?!
Subukan kaya ng KADAMAY?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com