Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrea Cuya, ipinagmamalaki ang pelikulang Bubog

KAPUPULUTAN ng aral at napapanahon, iyan ang pahayag ni Andrea Cuya ukol sa pelikula nilang Bubog (Crystals) ni Direk Arlyn dela Cruz. Si Ms. Andrea ang isa sa producer ng pelikula na ukol sa nangyayaring giyera ngayon sa ating bansa kontra sa droga.

“May-aral po itong movie, kaya dapat po talaga itong panoorin. Very timely siya talaga sa nangyayari ngayon. Hands-on po ako rito dahil first film ko po ito at enjoy na enjoy ako sa ginagawa ko,” saad niya.

Bakit mo naisipan na mag-produce ng pelikula? “Kasi una, naniniwala po ako sa kakayanan ni Direk (Arlyn), magkaibigan nga po kami. Pangalawa, as a businesswoman nga po, alam ko na nararapat itong ipakita, di lang po sa Manila, kundi sa buong mundo. Kasi ang vision ko dito is gawin itong International.”

Nabanggit din niyang si Coco Martin ang favorite niyang aktor, kaya inusisa namin kung posible bang sa susunod na pelikula nila ay pangunahan ito ng bida sa FPJ’s Ang Probinsyano?

“Si Coco Martin, natutuwa ako sa kanya dahil simple siya pero ang lakas ng dating niya. Malay nyo mayroon pa tayong Bubog part 2 at si Coco ang bida,” nakangiting saad pa ni Ms. Andrea.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …