IPINAKALAT ng Pambansang Pulisya ang halos nasa 70,000 pulis sa buong bansa, para magbigay seguridad sa publiko ngayong Holy week, at sa buong summer vacation.
Sinabi ni Police Community Relations Group (PCRG) Public Information Officer Supt. Elmer Cereno, kasama sa ide-deploy ang mga pulis na naka-civilian clothes, na magpapatrolya sa malls, beaches, terminal at sa mga bus.
Pahayag ni Cereno, 24 oras na may nakabantay sa mga police assistance desk ng PNP, na ipakakalat sa mga matataong lugar.
Kasabay nito, binalaan ng PNP ang mga pulis na magbabantay ngayong bakasyon, na iwasan mag-tsismisan at iwasan ang madalas na paggamit ng cellphone habang naka-duty.