BUMAGSAK sa kamay ng mga awtoridad ang wanted na Korean sex-predator makaraan ang mahigit walong taon pagtatago sa batas.
Naaresto nang pinagsanib na puwersa ng CIDG, Bureau of Immigration (BI) at QCPD, ang wanted na Koreano sa kanyang bahay sa Capitol Estate 1, Quezon City.
Kinilala ang naarestong Koreano na si Seo Inho, 53-anyos.
Ang operasyon ay isinagawa ng CIDG ATCU makaraan makatanggap ng sumbong mula sa Korean police desk tungkol sa pinagtataguan ng wanted na si Seo Inho.
Si Inho ay mayroong Interpol Red notice makaraan mapatunayan ng hukuman ng Korea, sa kasong pang-aabusong sexual at maltreatment, at nahatulang mabilanggo ng dalawang taon at anim na buwan.
Samantala, agad nagpa-labas ng summary deportation order at arrest warrant ang Bureau of Immigration laban sa Koreano.