NAKATUTUWANG mabalitaan na mahigpit ang suporta ng Philippine National Police (PNP) sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Kamakailan lang ay nabalitaan natin na sinibak ang tatlong pulis mula sa Police Regional Office 7 (PRO 7) dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na sugal sa rehiyon.
Kinilala ang mga sinibak sa puwesto na sina P/Supt. Joel Quintero, P/Supt. Nicomedes Olaivar, Jr., at SPO4 Clarito Aparicio, na positibong kinilala ng Authorized Agent Corporation (AAC) na nagpapatakbo ng Small Town Lottery ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa lugar na nabanggit.
Agad ipinaabot ni PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz kay PNP chief, Director General Ronald dela Rosa ang naturang ulat tungkol sa ilegal na sugal sa Rehiyon VII.
