MUKHANG malabo na talagang matuloy ang pelikulang pagsasamahan muli ng isa sa pinakasikat na loveteam noong dekaka ‘80, ang tambalang Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Sa labi na mismo ni Gabby nanggaling na busy siya ngayon at priority niya ang kanyang show sa Kapuso Network na umaarangkada sa taas ng ratings ng soap nila ni Sunshine Dizon, ang Ika-6 Na Utos.
Pero kapaag nagkaroon ito ng oras ay doon lamang niya maisisingit ang paggawa ng pelikula at depende rin sa script at availability niya.
‘Pag swak sa kanyang oras at nagustuhan niya ang script gagawin niya ito.
At sa naging pahayag na ito ni Gabby, maraming tagahanga nila ang nalungkot dahil umasa ang mga itong mapapanood muli sa big screen ang dalawa.
MATABIL – John Fontanilla