PORMAL nang nag-umpisa ang dry season sa Filipinas.
Ito ang inianunsiyo ni PAGASA weather forecaster Benison Estareja, kasunod nang paghupa ng hanging amihan, na naghatid ng malamig na hangin sa nakalipas na mga buwan.
Ngunit na-delay sa pagpasok ng tag-init sa ating bansa dahil sa pag-iral ng North Pacific high pressure area.
Ito aniya ang nagpabago ng pressure system at nagpaiba sa wind pattern na nagbunsod para maantala ang pormal na pagpasok ng dry season.
Nilinaw ni Estareja, walang summer season sa Filipinas, kundi “wet and dry seasons” lamang.
Ang summer aniya ay para sa mga bansang may apat na klasipikasyon ng kanilang panahon, kabilang ang spring, summer, winter at fall.