INIHAYAG ni Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum nitong Martes, walang banta ng tsunami sa Batangas kasunod ng magnitude 5.5 earthquake na yumanig sa lalawigan.
Aniya, ang nasabing lindol ay hindi magdudulot ng tsunami.
“Hindi naman po ganoon kalakasan ang lindol, magnitude 5.4, dapat at least magnitude 6.5 or magnitude 7 (para mag-cause ng tsunami),” aniya.
“Ang characteristic po nang pagkilos ng fault diyan sa Batangas-Mindoro area ay horizontal. Hindi po ‘yan nagpapaangat ng tubig para mag-cause ng tsunami,” dagdag ni Solidum.
Ang epicenter ng lindol ay pitong kilometro sa hilagang kanluran ng bayan ng Tingloy, sa Batangas. Naganap ang lindol dakong 8:58 pm.