Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bakit tinapos agad ang Case Solved ni Dingdong?

NAGHIHINAKIT ba si Dingdong Dantes sa kanyang home studio, ang GMA, sa pagkakakansela ng kanyang weekly forensic documentary show na Case Solved?

February 18 this year nang mag-pilot ang nasabing show after Eat Bulaga. March 25 umere ang finale episode nito na katumbas lang ng anim na Sabado.

Sayang, maganda pa naman ang bawat kasong tinatalakay ng programang ito na sinaliksik pa’t hinaluan ng dramatization mula sa direksiyon ng mga promising TV directors.

Para sa binansagang Primetime King, tila nakakasakit ng kalooban na tinapos ito agad. Anyare? Kulang ba ito sa advertising support? Hindi ba ito nakaalagwa sa ratings?

Lest we forget, bago ito nilundagan ni Dingdong ay matagal-tagal ding umere ang kanyang Alyas Robinhood sa primetime. Case Solved was not on primetime block, sa time slot pa lang, it negated the title conferred upon him by the TV network.

Mas tanggap kasi ng mga manonood na nakikitang umaarte si Dingdong being one of the country’s finest actors. Baka nakukulangan o nahihinaan ang mga viewer kapag isinabak siya sa hosting when his main forte ay ang pagganap which he does so well.

Pero pasasaan ba’t in the works na marahil ang proyektong sadyang babagay kay Dingdong, thus maibalik siyang muli sa primetime block.

While he shone brightly bilang host ng Case Solved, palagay namin ay mas komportable mismo si Dingdong showing off his acting prowess.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …