Tuesday , February 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

TADECO sa DoJ probe aprub sa Palasyo (Deal sa Bureau of Corrections)

040517_FRONT
SUPORTADO ng Ma-lacañang ang hakbang ng Department of Justice (DoJ) na magsagawa ng review at imbes-tigasyon kaugnay sa kuwestiyonableng kontrata ng Bureau of Corrections (BuCor) at ng Tagum Agricultural Development Company, Inc. (TADECO) na pagmamay-ari ni Davao del Norte 2nd District Representative Antonio Floirendo, Jr.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nakarating na sa tanggapan ng DoJ ang mga katanungan ni House Speaker Pantaleon Alvarez at nakatakdang bumuo ng komite o investigating body si justice secretary Vitaliano Aguirre II u-pang magsagawa ng preliminary inquiries.

Ani Abella, layunin ng imbestigasyon na malaman at mabusisi ang butas at iregularidad sa kontrata.

Hihintayin umano ng Malacañang ang resulta ng DoJ probe.)

“The copy of the query of the speaker finally reached the desk  of the DoJ. They will form a body just for preliminary inquiries on the infirmities of the contract. And they will submit an opinion next week,” aniya.)

Una rito, iginiit ni Alvarez na dapat ideklarang “null and void” o walang bisa ang umano’y “lopsided” deal na pinasok ng Bucor sa TADECO dahil luging-lugi ang pamahalaan sa kontrata.

Bukod dito, labag din sa batas ang pagpasok ni Floirendo sa government contract dahil siya’y incumbent congressman nang pasukin ng kanilang kompanya ang joint venture agreement para sa mahigit 5,300 ektaryang lupa ng Davao Penal Colony na ginagamit bilang taniman ng saging ng TADECO.)

Magugunitang ang nasabing kuwestiyonableng kontrata din ang dahilan ng isinampang kaso ni Speaker Alvarez laban kay Floirendo sa Office of the Ombudsman.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

P200-M Cigarettes manufacturing machines Tanza, Cavite

P200-M produktong tabako, manufacturing machines kompiskado sa Tanza, Cavite

SA PATULOY na operasyon ng mga awtoridad laban sa nga ilegal na sigarilyo, nakompiska ng …

Arrest Shabu

Sa drug bust sa Baseco
P.5-M shabu nasabat, 6 arestado

NASAKOTE ang anim katao kabilang ang tatlong nakatalang high value individual (HVI) habang nasamsam ang …

Valenzuela City shabu lab

Sa Valenzuela City  
SHABU LAB NADISKUBRE

ISANG nakatagong shabu laboratory ang natuklasan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) …

EDSA 40 People Power

Sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power
WALANG PERMISO WALANG RALLY – PNP

HATAW News Team MARIING ipinahayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na mahigpit na …

Task Force Kasanag Dr John Chiong, DHum

Task Force Kasanag, Muling Nanawagan ng Mahigpit na Pananagutan sa mga Proyekto ng DPWH

Nagdaos ng press conference ang Task Force Kasanag (TFK) sa pamumuno ni Dr. John Chiong, …