Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Richard Poon, ‘wag nang makisawsaw sa Jobert, Erickson, Erik war

LALONG umiigting ang kasong kinapapalooban ng kaibigan at kumpare naming si Jobert Sucaldito.

Representing as his legal counsel ay ang mahusay, mabait at press-friendly na si Atty. Ferdie Topacio whose official statement ay nailabas na rin bilang depensa sa magkahiwalay na patong-patong na kaso filed byErickson Raymundo and Erik Santos.

Ang latest post on Jobert’s FB wall ay patungkol this time kay Richard Poon na isa ring talent ng Cornerstone.

Ani Jobert, nauunawaan niya ang suportang ibinibigay ni Richard with Erickson as his manager. Pero may katwiran din ang manunulat/radio anchor/manager: huwag nang makisawsaw pa si Richard or any of his co-talents sa isyu which they probably know nothing about, bukod pa sa hindi naman sila ang directly involved sa isyu.

May pinanggagalingan ang hinampo ni Jobert. Noong time nga namang dumaaan sa “career crisis” ang noo’y hindi pa niya misis na si Maricar Reyes, Jobert hardly touched the issue on the scandal she got involved it.

Kung tutuusin nga’y respeto ang ipinairal ng general press na hindi na nagsulat pa ng tungkol doon. ‘Yun man lang sana’y binalikan ni Richard even if Maricar wasn’t his wife back then.

“Tatsulok” lang naman ang hugis ng kasong ito: Erik, Erickson, at Jobert. Silang tatlo ang bida rito. Walang support, walang second lead. Walang extra o bit player.

Richard Poon certainly knows better kung ano ang mas may kabuluhang bagay na puwede niyang gawin to further boost his career, hindi ang pakikisawsaw sa isang usaping wala naman siyang kinalaman.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …