Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jemina Sy, dream come true ang maging aktres sa pelikulang Bubog

MATAGAL nang pangarap ng newbie actress na si Jemina Sy na makalabas sa pelikula. Finally ay nagkaroon ito ng katuparan via Direk Arlyn dela Cruz’ Bubog (Crystals). Dito’y gumaganap bilang isang high class na drug pusher at police asset si Jemina.

Bagay naman sa kanya ang natokang role, dahil kahit first movie niya ito ay pasado naman siya para sa isang newcomer. May pagka-kikay kasi si Jemina, although by profession ay isa siyang attorney talaga.

Isa kang lawyer, pero bakit naisipan mong mag-artista?  Esplika ni Jemina, “It has always been my dream na maging actress at lumabas sa TV. It’s my first love.”

Ano ang preparation mo sa movie, nag-acting workshop ka ba? “Before nag-singing workshop ako, pero acting hindi pa. But before the shoot, nag-practice lang ako ng acting with Kristofer King under the guidance of Direk Arlyn.”

Kinabahan ka ba noong shooting na, lalo na noong first day? “I should say yes, because it’s my first time na mag-throw ako ng lines at mayroon talagang eksena. Pero sabi naman ni Direk, its not realy acting kapag indie film, dapat natural at normal lang ang mga eksena, so there.”

Ano ang masasabi mo kay Direk Arlyn? “She is very professional at talented na director. Magaling siyang magdirek at inalalayan niya ako sa movie na ito.”

Paano mo ide-describe ang pelikula ninyong Bubog? “Our film is very timely, napapanahon siya sa kung ano ang nangyayaring actual tungkol sa drugs ngayon sa ating bansa. Ipinapakita rito kung ano ang nangyayari ngayon sa ating lipunan gawa ng drugs. It also has social relevance, dahil ang isyu ng droga ay isang napakalaking isyu ngayon sa ating bansa at kapupulutan natin ng aral ang pelikula.”

Ang Bubog ay mula sa Blank Pages Production at Asian Premier Resources Trading Corporation nina Andrea Cuya at Aya Sycon. Tampok dito sina Ms. Elizabeth Oropesa, Julio Diaz, Juan Rodrigo, Jackie Lou Blanco, Allan Paule, Jak Roberto, Kiko Matos, Janice Jurado, Kristofer King, Karl Medina, Chanel Latorre, Rommel Padilla, at iba pa.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …