Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, kahit pulot na kabibe ang iregalo, ikasisiya ni Kathryn

NAGKAKATAWANAN noong presscon ng Can’t Help Falling in Love nang aminin ni Daniel Padilla na ang totoo, wala pa siyang birthday gift para kay Kathryn Bernardo. Masasabi ngang late na ang kanyang birthday gift, pero alam naman kasi ni Kathryn kung gaano sila pareho ka-busy at talagang walang panahon na makabili ng isang gift si Daniel.

Palagay namin, mas gugustuhin naman ni Kathryn na hindi nga siya mabigyan agad ng birthday gift ni Daniel kaysa malaman niyang may inutusan lang iyong iba para ibili siya ng regalo. Much worst kung kagaya ng iba na ang producers o managers pa ang talagang bumili ng regalo para lang magkaroon ng publisidad.

Noon ding birthday ni Kathryn, hindi lamang si Daniel kundi ang buong pamilya niyon ay sumama sa isang celebration at vacation na rin sa Palawan. Hindi ba mas romantic naman iyon? Palagay namin kahit namulot lang ng kabibe sa dagat si Daniel at ibinigay iyon kay Kathryn mas magiging meaningful pa eh, kasi magkasama sila.

Hindi ba iyon naman ang talagang mahalaga sa isang relasyon, iyong pagsasama? May relasyon nga kayo pero magtatapat lang sa iyo at magbibigay ng regalo kung nasa kalagitnaan kayo ng isang concert, hindi ka ba magdududa niyon?

Iyong nakikita naming relasyon niyang KathNiel, mas naniniwala kami na may relasyon silang totoo kaysa ibang love teams na sa palagay namin puro put on eh. May mga sobrang romantic kunwari pero iyong lalaki ilang beses na naming nakasalubong sa Makati na iba ang kasama sa dinner. Mag-iisip ka tuloy eh, bakit hindi iyong sinasabi niyang syota niya ang date niya. Ano iyon, “public relations” lang?

HATAWAN  – Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …