TILA napabayaan na ng isang aktres ang kanyang dating magandang pangangatawan. Ito ang nagtutumiling kuwento ng aming source na nakaispat sa aktres na mukha na raw matron.
Tsika nito, ”Naku, ha? Marami tayong mga aktres diyan na nanganak na’t lahat, pero alaga pa rin ang kanilang figure. Parang hindi nanganak. Pero si (name ng aktres), mukha nang matronix to think na sumali pa siya rati sa isang beauty contest, ha?”
Naispatan kasi ito sa isang lamay kamakailan. Hindi makapaniwala ang mga bumisita sa laki ng inilobo ng katawan ng aktres.
“Eh, dalawa pa lang ang anak niya, ganoon na siya kamatrona kung tingnan? ‘Yun pa bang katawang ‘yon ang gugustuhin ng balitang boyfriend niyang ‘di hamak na mas bata sa kanya? Natural, dahil mukha na nga siyang matronix, tama ang kutob ng madir niya na peperahan lang siya ng boylet!”
Da who ang matron-looking nang aktres? Itago na lang natin siya sa alyas na Josefa Gucci. (Ronnie Carrasco III)